B y GEORGE VAIL KABRISTANTE
From his blog MANILA SHOWBIZ AND LIFESTYLE also farmed out in different versions to www.pmpcstarnews.com.ph , Remate Online Tonight, Pilipino Mirror, CMT (Columnists Monitoring Team) Update, etc.
THE POLITICALLY-PERSECUTED VICE-MAYOR OF SAN ANTONIO, NUEVA ECIJA /FILM DIRECTOR KAKA BALAGTAS CRIES FOUL AGAINST CURRENT MAYOR MAYOR ARVIN C. SALONGA. |
Yes my title says it all. Our good friend and famous Filipino film Director KAKA BALAGTAS has been persecuted politically since he took the position of Vice-Mayor for the sleepy town (read: no progress at all) of San Antonio, Nueva Ecija in the last election. He has never functioned as Vice-Mayor because he happens to be at the opposite camp of the reigning MAYOR ARVIN C. SALONGA.
You will find the details/ evidences and proofs of Director KAKA BALAGTAS'S travails and political persecutions in the hands of Mayor ARVIN C. SALONGA in the former’s letter to current president of NPC (National Press Club) BENNY ANTIPORDA and the current Deputy Ombudsman for Luzon HON. GERARD A. MOSQUERA.
I know that President BENNY ANTIPORDA would not sleep on the political persecutions experienced by our colleague KAKA BALAGTAS whose capacity to run as clean and honest public servant in San Antonio, Nueva Ecija has been systematically blocked down the line by MAYOR SALONGA.
This is one landmark case that might challenge yet the integrity of Pres. BENNY ANTIPORDA’s current administration as President of the National Press Club of the Philippines for the second time around.
The same positive if not swift action we expect of the current Deputy Ombudsman HON. GERARD A. MOSQUERA who must have known that in a manner of speaking Vice Mayor KAKA BALAGTAS’S previous pleas to the Ombudsman literally fell on some deaf ears.
In other words, Vice-Mayor Kaka Balagtas is a victim of political bullying by forces greater that him in San Antonio, Nueva Ecija. Kailan pa kaya magigising ang mga constituents ng San Antonio sa katotohanang ito.
Basahin sa ibaba ang mga highly documented exposes ni Vice-Mayor KAKA BALAGTAS.
Republic of the Philippines
Municipality of San Antonio
Province of Nueva Ecija
Office of the Municipal Vice-Mayor
HON. BENNY ANTIPORDA
President
National Press Club Philippines
Magallanes Drive, Intramuros
Manila
Dear Kuyang Benny,
Bilang isang Film Director, Story Writer, Columnist sa ilang dyaryo. Pinupukaw ko kuyang ang iyong pansin, sapagkat sa aking tingin ang Mayor ng Bayan ng San Antonio. Mayor Arvin C. Salonga ay umaabuso sa kapangyarihan.
Magkagayunman na umaabuso ay kung bakit kahit saan ako magsumbong na ahensiya ng pamahalaan ay parang bingi ang mga ito sa pagtugon. Supermayor sa aking tingin ang Mayor na ito.
Una, nanalo akong Vice-Mayor ng may malaking lamang sa incumbent vice-mayor na kanyang ka team, nitong May 2010 election sa isang malinis na labanan.
Bago maupo nuong July 1, 2010, nag courtesy call kami sa office of the Mayor kasama ang Dalawang Konsehal ng Bayan, Ray Yabot at Jing Galang kasama rin ang dapat uupong Sanggunian Secretary Rene Bustamante.
Pero hindi kami pinapasok ni Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC) August Ortiz maghintay lang daw kami sa labas. Naghintay kami. Pero biglang umalis si Mayor Salonga at iniwan kami. Isang kabastusan na una kong natikman sa isang halal ng bayan.
Pumasok ako ng unang araw ng pasok sa Sangguniang Bayan. Pero nagkaroon ng pagtatalo sa dahilang ang inilagay kong Secretary ng Sangguniang Bayan ay hindi nakapagsimula. Dahil sa ilang kadahilan.
Tungkol sa Civil Service Commission (CSC) na hindi pa raw nailalatlaha sa mga pahayagan ang pagkukulang na labinglimang araw bago magtalaga ng Bagong Secretary ng Sangunian. At hindi pagtanggap ng appointment ni Engr. Renato Bustamante ni Human Resources and Management Officer (HRMO) at OIC Budget Secretary Aleli Magbitang.
Pumasok si Armando Cruz na ang plantilla ay Budget Secretary at may dalang appointment ni Mayor Salonga na siya munang tatayong pansamantalang Secretary ng Sangguniang Bayan na labis kong tinutulan.
Sumulat ako sa DILG Provincial Head Abraham Pascua phd, DILG Regional Head Arturo Brion at Provincial Attorney’s Office, para magkaroon ng katumpakan sa gusot sa pagtatalaga ng Secretary ng Sangguniang bayan.
Habang naghihintay ng kasagutan sa aking Inquiry sa DILG at Provincial Attorney’s Office. July 7, 2010. Sumulat ako sa Treasurer’s office Head. Miss Larcy Villaroman, copy furnish si HRMO at OIC Budget officer Aleli Magbitang at Hon. Mayor Arvin Salonga.
Mapitagan akong humihingi na magkaroon ng maayos na turn over sa mga gamit ng Vice-Mayor office at mga gamit ng sanggunian, plantilla ng mga empleyado at kopya ng budget ng fiscal year 2010 upang malaman ko kung may natitira pang budget sa upisina ng Sangguniang Bayan.
Pero hindi nila ko binigyan at nagkaroon ng memo si Mayor Arvin Salonga na lahat ng hihinging papeles ng Vice-Mayor office ay kailangang may sulat na may lagda ko.
Nakapagtatakang ganito ang utos ng mabuting Mayor, samantalang ayon sa batas lahat ng mga papeles na hihingin ng legislative department ay dapat na ibinibigay in aid of legislation.
Gayunman ginawa ko, ang gusto ni Mayor Salonga, sumunod muna sa nakatataas at sumuway kung mali na ang mga atas. Pero nasayang lang ang pagpapakumbaba dahil hindi rin sumunod sa aking kahilingan ang mabuting Mayor.
Wala akong natanggap na pasabi para magkaroon ng pormal na paglilipat ng mga kagamitan sa Sangguniang Bayan at gayundin sa Vice-Mayor office.
Dumating ang sagot ng aking sulat mula sa DILG sa aking mga katanungan tungkol sa pagtatalaga ng Sangguniang Secretary kung sino ang may karapatan Mayor ba o Vice-Mayor?
Na ang naging pawang sagot bilang Vice-Mayor, ay ako ang may karapatang magtalaga ng Secretary ng Sanggunian ng naaayon sa Local Government Code 7160.
Sinulatan ko si Armando Cruz na siya ay inaalisan ko ng karapatan na mag function na Secretary ng Sanggunian noong August 15 2010 pero hindi sumunod si Armando Cruz at ipinilit na siya ay aalis lamang sa atas ni Mayor Salonga.
Hinihingi niyang matapos ang taon at saka niya babakantehin ang Sangguniang Secretary.
Kaya pala ayaw umalis ni Armando Cruz sa Sanggunian bilang Secretary ay nalaman kong walang nakalaang budget sa Secretary ng Sanggunian. At tanging RATA lamang ang nakalaan para rito.
Nalaman ko ito, kahit hindi nila ako binigyan ng kopya ng plantilla at budget. Sapagkat humingi ako ng kopya ng budget sa Provincial Treasurers Office head Randolf Alingig, gayundin ng mga approve na resolutions ng nakaraang Sanggunian.
At nalaman ko na ang Budget ng Secretary ng Sanggunian ay nasama sa re-alignment nilang mahigit 13 milyong piso, noong March 13, 2011 isang buwan, bago maghahalan. Isang illegal na pagaalis ng budget ng Secretary sapagkat ito ay permanent plantilla.
Gayunman dahil ayaw pumayag ni Armando Cruz na umalis sa Sanggunian at hindi na rin pumasok si Engr. Rene Bustamante, dahil may tumakot sa kanya na papatayin, kapag nagpumilit na pumasok sa Sangguniang Bayan bilang Secretary.
Nanatili si Armando Cruz bilang pansamantalang Sanguniang Secretary. Nagkaroon ng session at naretipikahan ang Rules of Procedures. At nagkaroon na rin ng kani-kanilang committee ang mga konsehal.
Pero hindi nagtagal, sinuspindi ni Mayor Salonga ang dalawang empleyado ng Sanggunian si Ludivina Vargas at Nora Balatbat. Sa kasalanang pagpapalsipika raw ng kanilang DTI records.
Nagawa rin ni Armando Cruz na pagharapin kami ni Mayor Arvin C. Salonga nuong September 2010. Nagkausap kami tungkol sa Sanggunian. Tinanong niya ako kung ano ang mga kailangan ng Sanggunian sinabi ko naman. Hiniling ko rin na ibalik ang dalawang Sangunian Staff na sinuspindi. Sapagkat sila ang aking inaasahan na makakatulong sa akin
Nangako siyang ibibigay ang mga kailangan ng Sangunian tulad ng sasakyan ng Vice-Mayor office at Sangguniang Bayan para mabilis na makapaglingkod sa mamamayan. Pero ang lahat palang iyon ay pakunwari lamang, hindi niya matangap na ako ang kanyang Vice-Mayor.
Hindi niya sinunod ang pinag-usapan at naglabas pa ng mga nakakasirang puring mga streamers at isinabit sa mga barangay na ako ang pinatutungkulan.
Gayundin dahil sa hindi niya pagtupad na ibalik ang dalawang Staff ng Sanguniang Bayan, at pati na rin ang hindi pagpasok ng mga konsehal.
Nagkaron ng pananakot sa akin, sapagkat napakarami niyang mga tauhang de baril. Hindi naman mga pulis pero may mga nakasukbit na baril sa oras ng flag ceremony kada Lunes ng umaga.
Humingi ako ng Security sa PSPO gayundin sa PSPG sa Campo Crame at binigyan naman ako. Kaya nagkaroon ako ng Police Security, kung kumilos man ang mga tao ni Mayor Salonga. May mamagitan.
Dahil sa tingin ko’y mali ang ginagawa ni mayor sa pangingialam niya sa Sangguniang Bayan. Nagsampa ako ng dimanda sa Sanguniang Panglalawigan ng Abuse of Authority
Nagkaroon ng mga hearing, sa Sangguniang Panlalawigan, Pero bigo ang concellation hearing na gusto ng ilang board member.
Sapagkat idinimanda naman ako sa Ombudsman Luzon ni Mayor Salonga sa salang pagtatalaga ko ng Sanggunian Secretary sa Katauhan ni Engr. Rene Bustamante.
Pinagharap kami sa session ng Sangguniang Panlalawigan. At inamin niya na naglagay nga siya ng pansamantalang Secretary ng Sanggunian sa kahilingang ng dating vice mayor Casiano Anoy Cunanan.
Nagharap din kami, sa upisina ng Vice Governor at tinanong ko siya, kung bakit niya pinakikialaman ang Vice-Mayor office at Sanggunian Bayan?
Hindi naman siya sumagot. Sinabi kong hindi ko pinakikialam ang nakaraang Sangunian, at ang tanging gusto ko lang ayusin ang kasalukuyang Sanggunian at maglingkod sa mamamayan ng San Antonio.
Nakiusap akong huwag niyang panghimasukan ang Sanggunian, pagkat magkaiba naman kami ng function, siya ang Executive at ako naman ay Legsilative.
Lahat ng gagawing resolution ay daraan sa kanya sapagkat siya ang Mayor ng Bayan. Hiniling kong papasukin niya ang mga konsehal at mayorya naman ang kaalyado niya. Sapagkat sa walong konsehal ng bayan, anim ang kapartido niya at dalawa lamang ang kapartido ko.
Kapartido rin niya ang ex opisyo Abc President at SK president na nagsisilbi ring councilor dahil kasama yun sa kanilang mandato. Kaya lumalabas na walo sila. Kahit ano pang resolution at ordinansa ang gawin, tiyak na panalo sila.
Ang mahalaga’y pag usapan at ng malaman ng mamamayan na nagtatrabaho ang Sangguniang Bayan. Pero walang nangyari sa usapang iyon
At nagkaroon ng hearing ng buong municipal head para sa budget ng fiscal year 2011, sa umpisa ay kasali ako at nagpasa ako ng budget na sa tingin ko’y sapat para sa sangguniang bayan. Naglagay din ako ng pondo para sa mga nagsipag-retiro ng panunungkulan sa Sangguniang Bayan, para maibigay ang kanilang mga kaukulang kompensasyon.
Pero moro-moro lang pala ang budget hearing na iyon at naging biktima ako ng conspiracy nina HRMO at OIC Budget Secretary Aleli Magbitang, Acting SB Secretary Armando Cruz At mayor Arvin C. Salonga.
Noong October 2010 nag-approve ang anim na Konsehal kasama ang ex opisyo abc president at Sk president ng budget ng fiscal year 2011. Sa isang mahimalang special session na illegal pa rin dahil pinalabas nilang sa Sanggunian Hall ginanap ang Session gayung sa upisina lamang ni Mayor Salonga.
Ang masakit walang silang ini-allocate na budget sa Sangguniang Bayan kundi Forty thousand pesos na pambayad ng telephone bill. Walang MOOE. Wala kahit pang seminar man lamang na itinatakda ng batas upang ma-educate ang Sangguniang Bayan.
At nakapagtatakang pumayag ang mga konsehal na ang Sangguniang kanilang upisina ay walang budget?
Hindi rin naisip ng nag-preside ng session na si first councilor at last termer na si Hon. Daniel Pamintuan na ito man ay labag sa batas dahil paano tatakbo ang Sangguniang Bayan at makapagsisilbi sa mamamayan kung walang pambili ng papel, ballpen, sobre at pan xerox.
Nakakahiya ang apat na Konsehal na ito, Hon. Benigno Sulit, Hon. Julieta Maxwell, Hon. Allan Joson At Hon Daniel Pamintuan. Last termer na pero umaktong mga baguhan sa kanilang pag-a-approve ng budget na walang budget ang sariling upisina.
Sana kung baguhan ang mga ito mapapatawad pa, pero ang tagal ng mga konsehal. Mga nag-aral naman. Pero graduate na, wala paring alam kundi sumunod ng pikitmata sa atas ni Mayor Salonga.
Hindi na nahiya sa bayang silang nagluklok sa kanila sa kapangyarihan. Na siyang dapat pagsilbihan ng tapat at mahusay. Hindi si Mayor Arvin C. Salonga na nagtapos din ng Abogasya pero illegal din ang pagmamando sa mga konsehal.
December 2010 nag file ng resignation si Armando Cruz at nabakante ang Sangunian Secretary. Muli ay itinalaga ko si Engr. Rene Bustamante pero walang budget ang Sangguniang Secretary. Isang permanenteng posisyon inalisan ng budget mga magagaling na konsehal ng Bayan.
January 2011 bilang punong bayan ayon sa R.A. 7160 ay dapat maguulat sa mga nagawa at natapos ng nagdaang taon sa Sanggunian. At magbibigay din ng manda sa Sanggunian kung ang mga priority projects at ia-approve ng Sanggunian upang maging maayos ang pag-gasta ng pera ng bayan.
Anumang pag-utang na ang isasangkalan ay IRA at pera ng Bayan. Dapat ito’y dadaan sa session at kung kinakailangang ihingi ng kapasyahan sa mamamayan ay magkakaroon ito ng public hearing upang malaman ng bayan kung bakit mangungutang at anong proyekto ang paguukulan at ito ba’y makakatulong sa pangangailangan mamamayan.
Ito man ay hindi ginawa ni Mayor Arvin C. Salonga. At talampakan niyang binabastos ang Sangguniang Bayan Nakakahiyang panunungkulan…kasi ay sunud-sunuran ang mga nakakahiya ring konsehal ng bayan.
Gayunman binasa ko ang Libro ng kautusan at natuklasan ko. Kung susunod ang Pinuno ng Bayan sa Local Government Code, walang pagkakamaling magagawa ang mga Local Officials, at mabubuhay ito ng marangal at karapat dapat maging lingkod bayan.
February 2011, Nalaman ko na-i-approve ang fiscal year budget 2011 ng maubusan ng papel at mga gamit ang sanggunian, dahil nag request ako.
At sinabi ng bagong talagang OIC Treasurer Daisy T. Pili sapagkat nag resign ang OIC Treasurer Larcy Villaroman. Na walang budget para sa mga gamit ng Sanggunian sapagkat hindi ako nagpasa ng budget ng Sangguniang Bayan at office of the Vice-Mayor.
Panginoon kong mahabagin, muntik ng sumabog ang dibdib ko sa galit. Pero nagkalma pa rin ako. Sabi ko sa sarili ko paano ako maglilingkod kung ganitong walang magagamit sa Sanggunian?
Sinulatan ko si Daisy Pili at tinanong ko bakit walang budget? Sumagot siya sa sulat din at sinabing approve na ang fy 2011 budget. Na ini- approve ng mayorya ng mga konsehal. Paano na-aprove ng hindi dumaan sa akin? Ako ang presiding officer?
Tumawag ako ng session ng October 2010 para i-approve ang budget, walang dumating sa mga konsehal.
Sabay ding tumawag ng special session si Mayor Salonga. Apat na sunod-sunod na special session, pinadadalhan ako ng notice na ang tatalakayin ay tungkol sa budget ng fy 2011, gayundin ang dalawang konsehal Jing Galang at Ray Yabot uma-attend kami sa session hall, pero hindi naman sila dumarating. Nalaman ko, sa office of the mayor sila nag se-session
At isa pang kagulat-gulat idimanda ako ni Mayor Salonga kasama ang dalawang konsehal sa Sangguniang Panglalawigan ng Neglect of Duty dahil sa hindi ko daw, pagsipot sa apat na sunod-sunod na pag absent sa special session.
Nagpunta ako sa kapitolyo kasama ang dalawang kong staff na nasuspindi ni Mayor Salonga, si Ludivina Vargas at Nora Balatbat. Humingi ako ng kopya ng budget fiscal year 2011. Pero hindi ako binigyan ng Secretary ng Sangguniang Panlalawigan sapagkat wala pa raw ipinadadalang kopya para kanilang marebisa.
Gayundin nanghingi rin ako ng kopya ng budget sa Provincial Budget Officer Randolf Alingig. Wala pa rin daw ipinadadala ang Sangguniang Bayan. Iyon ay buwan ng Mayo 2011.
Naisip ko, hindi na-approve ang fiscal year 2011 at nagsisinungaling si Oic treasurer Daisy Pili. Siguro ay re-enactment ng budget 2010 ang ginagamit sapagkat nagpapagawa si Mayor Salonga ng Gynasium sa harapan ng munisipyo. At nagpapagawa rin ng karsada sa San Mariano road going to Brgay Lawang Kupang.
Sinulatan ko si Mayor Salonga at tinanong bilang Vice-Mayor ay dapat kong malaman kung saan kinuha ang Budget ng mga pagawaing bayan. Para mai-ulat ko sa Bayan.
Gayundin si MPDC August Ortiz. Pero parang sa hangin lang ako sumulat, bumalik ang sulat sa aking upisina sapagkat hindi nila tinanggap.
November 2010 ako nagsampa ng kaso, sa sangguniang panlalawigan, June 2011 ng matangap ko ang hatol ng Sangguniang Panglalawigan. At ang naging hatol ay ibigay para sa Sangguniang Bayan at Vice Mayor ang respeto, ang budget para sa pangangailangan ng Sanggunian para makapaglingkod ng tapat at maayos sa mamamayan.
Sa kabila ng katotohanan na nakialam si Mayor sa pagtatalaga sa Secretary ng Sanggunian sapagkat ito ang isyu, at pangaabuso sa kapangyarihan ay naging kiling pa ang hatol ng Sangguniang panlalawigan sa kanya.
Umapela ako sa Pangulong P-Noy at nag-atas naman na repasuhin ang desisyon ng Sangguniang Panlalawigan. Pero hanggang doon lang at wala akong natangap na anumang sulat galing ng Sangguniang Panlalawigan sa kinalabasan ng petisyon.
At sa kabila rin ng kanilang desisyon na respetuhin ni Mayor Salonga ang Sangguniang Bayan at vice-mayor office ay hindi sumunod ang Supermayor na ito. Parang walang naging hatol ang Sangguniang Panlalawigan at binastos din ang kanilang resolution.
Sinulatan ko ang Sangguniang Panlalawigan. Pero wala ng naging tugon. Naging bingi na rin sila sa daing ko at ng mamamayan ng Bayan ng San Antonio. Sayang ang panahon at pagkakataon…
Tuluyan ng nabastos ang Sangguniang Bayan ng San Antonio Nueva Ecija.
Kaya walang Permanent Secretary sa Sanguniang bayan kundi puro acting secretary lang. dahil walang budget ang isang permanent position. Pero dapat ay permanente ang kailangan ng isang matinong Sangguniang Bayan. Para hindi kayang diktahan ng Supermayor at ng sinuman.
Kaya kahit isang Seminar mula July 2010 hanggang July 2012 na itinatadhana ng batas, upang mabuksan pa at mapatalino ang kaisipan ng mga konsehal ng Sangguniang Bayan. Gayundin upang mahasa pa ang aking kaalaman sa tungkulin bilang Presiding Officer.
June 2, 2011 nagsampa ako ng kaso sa OMBUDSMAN ng Administratibo at Criminal. Laban kay Mayor Salonga, Daisy Pili at Aleli Magbitang. Nagpalitan ng mga accusation ang abugado ni mayor salonga at ng aking abugado. Hanggang sa humantong na sa position paper.
Mahigit ng isang taon, wala pa ring Decision ang Ombusdman Luzon. Napakalakas ni Mayor Arvin C. Salonga ano kaya ang dahilan at napapaikot niya ang batas.
Sinampahan ko rin ng kaso ang tatlong konsehal at ang Sk president at Abc president. Neglect of duty dahil sa hindi pag-attend sa session ng apat na beses. Dumating na rin sa pagsa-submit ng position paper.
Napakalakas din ng mga konsehal na ito. Sa kabila ng katotohanang nilalabag nila ang batas ay patuloy pa ring na nanagana sa pera ng bayan na kanilang sinusuweldo sa kabila ng hindi sila pumapasok sa Sangguniang Bayan. Dalawang beses ng na raid si Mayor Arvin Salonga at nakuhanan ng mga tatlumpong malalakas na armas, tulad ng mga armas ng Ampatuan. Sa kanyang bahay at sa kanyang mga tauhan. Nakakapagtakang patuloy pa rin siyang nagtatamasa ng kalayaan sa kabila ng kanyang kapangahasan at patuloy na paglabag sa batas.
Ano kayang ahensiya ng pamahalaan dapat isumbong ang supermayor na ito, para patawan ng parusa sa kanyang pagmamalabis. Hihintayin pa kaya, na ito’y makapamuksa at makamatay ng mamamayan bago kumilos ang matatas na pinuno ng pamahalaan.
Hanggang kailan iiyak at makikiusap ang Bayang San Antonio na may Forty four thousand voting population at may Sixty six thousand inhabitants. Na sila naman ay mapaglingkuran at maiayos ang kanilang mga kabuhayan.
Kailan hahatol ang Ombudsman? Hihintayin din ba nilang mapaso na ang termino bago humatol, bakit hindi hatulan kung mayroong sapat na ebidensiya at kung wala naman ay hatulan kung guilty or not guilty.
Kuyang lakip ang aking pagasang matutulungan mo ako, bilang Presidente ng NPC. Tulungan mong magkaroon ng katarungan ang kaapihan ng mga mamamayan ng San Antonio na labis na umaasa sa pagunlad ng bayan. Pero ang tinatamasa nila ay kapabayaan ng mga nanunungkulan.
Pasyalan mo Kuyang Benny ang Bayan ng San Antonio at damahin ang kalagayan ng mga mamamayan. Mahaba ang kamay ng Media upang abutin at gisingin ang Punong bayan na timawa sa kapangyarihan. Sa ngalan ng TUWID NA DAAN na Programa ng Pangulong P-NOY…
Lubos akong umaasa bilang kapatid sa panulat na diringin mo ang aking daing. Maraming salamat… pagpalain ka ng BUHAY na DIYOS na siyang simula at wakas…
Gumagalang,
HON. JOSE KAKA R. BALAGTAS
Vice-Mayor
San Antonio, Nueva Ecija
Office of the Municipal Vice-Mayor
August 3, 2012
HON. GERARD A. MOSQUERA
Deputy Ombudsman for Luzon
Office of the Deputy Ombudsman for Luzon
OMBUDSMAN BUILDING
Agham Road, Diliman, Quezon City
Dear Sir Mosquera,
MAPAGPALANG ARAW PO!
Nakakalugod pong malaman na naiba na ang pagtangap ng bisita sa inyong mabuting upisina ng Ombudsman, maasikaso tagatanggap at may pusong makakalinga sa mga taong Bayan na nagrereklamo at nagpa- fallow up ng kaso.
Sumulat po ako upang ihingi ng tulong ang kaapihan ng Bayang San Antonio at ng inyong lingkod bilang Vice Mayor, sa mapagmalabis na Pamumuno ng Bayan na Si Mayor Arvin C.Salonga.
Nakakalungkot lang pong isipin na sa kabila ng ilang ulit kong pagsulat at paghingi ng karapatang mabigyan ng Preventive Suspension ang Mayor ng Bayan ay tila hindi marinig ng noon ay Deputy Ombudsman for Luzon Hon. Joaquin F. Salazar. Sa kadahilanang ang mga iyon ay walang naging katugunan.
Gayunman po’y hindi ako napatalo sa pagaalinganan na baka may humahaharang sa loob na kaalyado ng Mayor na inereklamo ko. Ako po’y lubos na naniniwala sa kapangyarihan ng DIYOS na siyang pinakamataas sa lahat. Kaya’t patuloy akong nagpupursige na maiyayos ang sa aking tingin ay pangaabuso sa tungkulin.
Bagong upo lang po akong Vice Mayor. Isa po akong anak ng magsasaka na pinalad na manalo. Bilang baguhan. Handa akong sumunod sa mga atas at palatuntunan ng Mayor, nagulat lamang po ako at parang ako’y naging tinik sa kanyang lalamunan.
Una pong pangyayari ng pagmamalabis ng Mayor ay ng maglagay ako ng Secretary ng Sanggunian, sapagkat ayon sa batas ang Vice Mayor ang may karapatang maglagay nito.
Hindi nasunod ang batas na ito at ang Mayor ang nag-appoint ng pansamantalang Sanguniang bayan Secretary na si Armando Cruz na ang function ay Budget Secretary.sa kabila ng malabis kong pagtutol.
Nalaman ko kaya pala niya ipinilit si Armando Cruz ay sa kadahilanang walang budget na naka allocate sa SB Secretary sapagkat nare-align nila ito noong march 13, 2010 isang buwan bago maghahalan. Ito rin sa batas ay bawal. Tulad din ng bawal na pagaalis ng budget sa isang mandatory position.
Sapagkat matapang maraming de baril na tauhan si Mayor Salonga na nagkalat sa ibaba ng munisipyo. Natakot na ang aking inalagay na SB Secretary. Una ang pagkatakot. Pangalawa ang budget. Magtratrabaho nga ba naman siya ng walang conpensation.
Nanghingi ng ako opinion sa Dilg provincial, Dilg Region, CSC provincial at sa Provincial Attorney. Itinanong ko sa kanila kung sino ang may karapatang maglagay ng SB secretary at ang naging opinion nilang lahat bilang Vice Mayor ako ang may karapatan.
Tinangal ko si Armando pero hindi pumayag. Nagsampa ako ng kaso sa Sangguniang Panglalawigan. Laban kay Mayor Salonga ng Abuse of Authority. Pero palibhasa at makapangyarihan gumulong ang mapait na anim na buwan ng pagpapaikot lang.
Kasabay nito ang pagkakaroon ng budget hearing ng September at October for fiscal year 2011. Una kasama ako sa paguusap ng budget. Pero bandang huli. Ini-approve ni Mayor Salonga ang Budget sa illegal special session. Wala ako at idinimanda pa ako kasama ang dalawang konsehal ng hindi pagsipot sa special session. Gayong andun at dumadalo kami sa Sangunian Hall. Pero walang dumarating na konsehal na kaalyado niya.
Lumabas ang hatol ng Sagguniang Panlalawigan. Ang atas ayon sa resolution, ay hindi nag Abuse of Authority si Mayor Salonga. At inatasan itong ibigay at irespeto ang Vice Mayor Office, Gayundin ang Sanguniang Bayan.
Ang nakakagulat, at sadyang pagpapamalas ni Mayor Salonga ng pangaabuso sa katungkulan ay ang alisan pa ng Budget ang Sanguniang Bayan. At pikit mata ring pumayag ang mga abusadong kosehal na walang budget ang kanilang upisina.
Walang MOEE, walang budget para sa Seminar na itinatadhana ng batas. Kaya paano uunlad ang kaisipan ng mga konsehal gayundin ng aking sariling kakayahan sa paglilingkod kung walang seminar na magbubukas pa at maghahasa ng talino.Upang maglingkod ng tapat marunong sa batas magpagsilbi sa mamamayang nangangailangan ng tulong. Na nakasulat sa libro ng batas RA 7160
Sumulat ako sa Dilg Central inaksiyunan naman ng sulat din patungo sa Dilg San Antonio, Dilg Provincial. At Dilg Region. Pero ang katapusan hanggang ngayon wala pa ring budget ang Sanguniang Bayan. Kahit na pambili ng papel, pan xerox, ball pen walang sasakyan ang upisina ng Sangunian.walang gasolina na naka allocate,at kung anu-ano pa na kailangan sa Sanguniaang Bayan ay ang inyong lingkod ang nagaabono.
Gayunman ay hindi ako,tumigil. Naniniwala akong me katapusan ang pangaabuso. Sumulat akong muli sa Dilg Central at naging opinion ay magsampa na ako ng kaso sa Ombudsman Luzon. Noong June 2,2011 isinampa ko ang kaso.
Case number: OMB L-A-11-O356-F FOR CONDUCT PREJUDICIAL OF THE BEST INTEREST OF THE SERVICE.
Case number: OMB L-C-11-0366-F FOR VIOLATION OF SECTION 3(c) of RA3019 USURPATION
VICE-MAYOR JOSE R. BALAGTAS
vs
MAYOR ARVIN C SALONGA
OIC TRESURER LARCY VILLAROMAN
OIC BUDGET ALELI MAGBITANG
OIC TREASURER DAISY PILI
VICE MAYOR JOSE R.BALAGTAS
Vs
MAYOR ARVIN C.SALONGA
Sa isinampa kong kaso ang OMB L-A-11-0356-F ang nag-materialize. Nagkaroon ng palitan ng paliwanag at nagkaroon ng mga accusation at kahuhulihan ang possition papers ng bawat isa. June 2 2011 isinampa August 2, 2012 wala pa ring final resolution.
Sa kabila ng kahilingan kong masuspindi si Mayor Salonga at mga kasama niya, ay hindi nagkaroon ng pagkakataong madinig. Kaya’t nagawa pa niyang alisin at sapilitang pinag- resign ang labintatlong tauhan ng Sangguniang Bayan.
At pagkatapos ay dinala niya pati sweldo at inilipat sa kanyang upisina at ginamit pang testigo laban sa akin. Inalisan ng Dalawang Aircon ang Sanggunian Hall at pinutulan ng kuryente pati, Vice Mayor office. Isang uri ng walang pangalang pangaabuso. Kung nagawa sana ng Ombusdman Luzon sa pamumuno ni Hon. Joaquin F. Salazar hindi na sana nakapagmalabis pa si Mayor Salonga.
Sinampahan ko rin ng reklamo ang limang konsehal sa salang hindi pagpasok at hindi pag-attend ng apat na sunod- sunod na regular sessions. at ito man ay hindi rin nagkaroon ng preventive suspension na ayon sa batas kapag ang dalawang reklamo ay nag abot na sa kinauukulan ito ay dapat bigyan ng preventive suspension.
Case number: OMB L-A-11-0466-H FOR GROSS NEGLECT OF DUTY VIOLATION OF RA7160
VICE MAYOR JOSE R.BALAGTAS
Vs
COUNCILORS
BENIGNO E.SULIT
JULIETA E.MAXWELL
HONORIO O.GARCES
JOSE G. CUNANAN
(ABC PRESIDENT)
ARVIN CARL SALONGA
(SK PRESIDENT)
Bakit ang batas natin. Hindi sinusunod. Nagagawa pang tawanan ng grupo ni Mayor Salonga.
Kaya maraming umaabusong opisyal ng bayan. Kawawa ang mamamayang hindi napaglilingkuran pero sumusweldo naman sa pera ng bayan. Sana sa inyong mabuting puso, sa inyong tapat na paghatol magkaroon ng katuturan ang kaapihan ng mamamayan ng San Antonio at tuluyang ng dumaloy ang biyaya sa BAYANG PINAGPALA.
Marami pong salamat at naipabot ko sa inyong mapagkandiling paglilingkod ang lahat… Pagpalain po kayo ng BUHAY NA DIYOS na siyang simula at wakas…
Lubos na gumagalang,
HON JOSE KAKA BALAGTAS
Vice-Mayor
San Antonio,Nueva Ecija
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento