Biyernes, Setyembre 21, 2012

Pinay movie star of distinction ng Dubai I-NAPSTAGED LEGAL WIFE NI JOSE MARIE CHAN



MONTAGE
By GEORGE VAIL KABRISTANTE
PMPC (Phil. Movie Press Club)
From my blog “ Manila Showbiz & Lifestyle” farmed out in different versions to www: pmpcstarnews.com Pilipino Mirror, Remate Online, Scandal, CMT (Columnists Monitoring Team) Update, etc. 


Pinay movie star of distinction ng Dubai
I-NAPSTAGED  LEGAL WIFE NI JOSE MARIE CHAN 





RHONA MAY MERCADO 
Sa nakaraang 4th PMPC Star Awards for Music napagkamalang misis ng Lifetime Achievement Awardee na si Jose Marie Chan si Rhona May Mercado na matagal na nakapulupot kay Mr. Chan  habang sila ay pinagkukunan ng litrato ng mga paparazzi sa reception area ng Meralco Theater, Ortigas.
      Si Rhona (take note may “h” sa kanyang family name, very 70s like Ishmael Bernal and Bhen Cervantes, see?) ay kagagaling lamang sa Dubai kung saan siya ay namamalagi bilang Group Human Resources Manager ng  Demat Group Hamriyah Free Zone- Sharjah Government, United Arab Emirates.  Let me not jump the gun on her yet.
      Nung si Rhona May ay finally binitawan ni Mr. Chan, biglang inabresiyete ito ng kanyang asawa who was waiting nearby. Parang eksena sa monster hit movie na The Mistress. After which nag-one liner si Rhona May, saying: “At least I have three minutes of fame with the one and only Jose Marie Chan at sana ay mag-rub on pa ang swerte ni Mr. Chan sa akin bilang isang comebacking movie star.”
RHONA MAY WITH JOSE MARIE CHAN 
            Naluka-luka ang mga batang paparazzi coz di nila mawari kung sino si Rhona May Mercado, pero sa mga beteranong movie writers tulad nila Veronica Samio, Manay Letty Celi, Linda Rapadas, etc. ay nakilala agad siya. Ako rin nakilala ko siya dahil matagal rin siyang na-link sa isang action star noon ang dear departed na si Jun Aristorenas.   
      Twenty years na na-out of touch si Rhona May sa showbiz. Flashback: Rhona May jumpstarted her career as film and TV star in the late 80s to the 90s. Her most significant cameo role was in Director Celso Ad Castillo’s masterwork  “Pinakamagandang Hayop sa Balat Ng Lupa,” the film that launched  Miss Universe Gloria Diaz  opposite Vic Vargas.
    Rhona  May  was twice the female lead of the films “Lady Commando” which she produced herself and  shown in 1988  with the special participation of  Dante Rivero and  “Sintigas Ng Bakal” directed by Teody Recio opposite Roland Dantes and  Gary Gallardo.
    She went on to appear in several roles on TV with lead actors among others  Ernie Garcia, Tirso Cruz III, Michael de Mesa and Jun Aristorenas with whom she was rumored to carry a very complicated relationship that became a juicy fodder for showbiz. 
      Recalling, Rhona May said, “ Excuse me hindi ako naging mistress ni Jun (Aristorenas), girlfriend yes.”
         So what’s the fuzz about Rhona May? She’s an epitome of a movie star who made good putting her experience as movie star in Dubai kung saan siya ay naging CEO rin ng isang kompanya na ang produkto ay strictly  pang-enhance as in pampasikip ng keps ng babae.
      Woman of distinction si Rhona May sa Dubai. Kapag siya raw ay naglalakad sa kalsada, ay sabay raw tumataas ang mga noo ng mga kababayan niyang Pinay roon kung saan siya ay tinitingala bilang isang Pinay na mataas ang  pinag-aralan at may mataas na posisyon sa mundo ng mga lalaking Arabyano.  Graduate lang naman kasi siya ng Human Resources Management sa  Stonebridge Associated Colleges ng United Kingdom.
      Ang ipinagtataka ni Rhona May ay bakit raw ang kwento ng mga artistang nanglilimahid sa kahirapan ay siyang pinagpipistahan sa TV at sa showbiz? At bakit raw ang artista na gumanda as in bumongga ang buhay tulad niya ay ‘wa pansin’ sa showbiz? Hindi ko rin masasagot ‘yan.( Bakit nga ba my dear editor, ha?)
      Casting pala si Rhona sa isang indie film billed Noli Me Tangere, a remake of Dr. Jose Rizal’s classic novel. Bongga ang comebacking movie ni Mama, ha?








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento