PMPC (Phil. Movie Press Club)
From my blog “ Manila Showbiz & Lifestyle” farmed out in different versions to www: pmpcstarnews.com Pilipino Mirror, Remate Online, Scandal, CMT (Columnists Monitoring Team) Update, etc.
DIRECTOR TIKOY AGUILUZ |
GOV. JEORGE "ER" EJERCITO |
Sa panglimang award na nakuha ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story sa FAMAS kamakailan lang ay masasabing nagka-grand slam na nga ito considering na five top award-giving bodies na ang naghirang nito namely Metro Manila Filmfest, Gawad Pasado, PMPC Star Awards for Movies, Luna Awards ng Film Academy of the Philippines and the last nga ay ang nasabing FAMAS.
Nung umakyat si Gov. Jeorge “ER” Ejercito sa entablado ng Manila ballroom hotel, isa sa sobrang pinasalamatan ng Laguna Governor ay si Tikoy Aguiluz bilang director ng nasabing pelikula. Ito ay pagpapatotoo na ang Asiong Salonga Story ay obra talaga ng iconic, award-winning director/ Founding President ng Cinemanila International Film Festival na si Direk Tikoy.
Noon kasing nagkademandahan pa sila Direk Tikoy at Gov. “ER,” for reasons of technicality hindi naka-credit ang pangalan ng una bilang director.
Pero sa FAMAS mas klaro pa sa sikat ng araw nang binanggit officially as contender for Best Direction along with the others ang pangalan ni Direk Tikoy Aguiluz. Of course alam naman natin na water under the bridge na ang sigalot nila Direk Tikoy at Gov. “ER.”
Sabi sa pasasalamat ni Gov. ER Ejercito kay Tikoy: “Malaking pasasalamat ko sa napakahusay at mahal kong Direktor na si Direk Tikoy Aguiluz. Kasinghusay siya ng mga Hollywood directors tulad nila Martin Scorcese, Oliver Stone at Spielberg… at kaya tayo nagtamo ng napakaraming awards galing sa kanyang obra…” To be compared to these Hollywood greats, my oh my! It’s more than all of the five awards gathered so far rolled into one for our good friend Tikoy who is responsible for coming out with the masterful film at hand.
Ang papuring yon ay ‘ika nga mouthful at galing mismo kay Gov. “ER.” Noon pa man kahit nagkadiperensya nang konti ang dalawa ay hindi namin sila pareho nariringgan ng mga maaanghang na mga salita.
Nung umakyat uli si Gob. “ER” para tanggapin ang pinakahuling award which was Best Picture Award, umugong ang buong kapaligiran sa pagsigaw ng Asiong! Asiong! Asiong!
Sa thank you speech ni Gov. “ER” ay nasabi rin niya na parang naulit ang Metro Manila Film Festival sa dami ng awards na nakamit ng Asiong Salonga film sa FAMAS.
Ang total of five major awards coming from prestigious award giving bodies collected by Asiong Salonga more than validated the phenomenal merits of the film in terms of commercial and critical acclaim as well. If that’s not phenomenal to you, I don’t know what is?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento