VILMA SANTOS SEATED AT CENTER WITH DIRECTOR CHITO RONO AT HER BACK AND KIM CHIU BESIDE HER AND THE REST OF THE CAST OF "THE HEALING" |
By GEORGE VAIL KABRISTANTE
PMPC (Phil. Movie Press Club)
From his blogsite Manila Showbiz and Lifestyle farmed out in different versions to www.pmpcstarnews.com.ph, Remate Online, Pilipino Mirror, Pssst, CMT (Columnists Monitoring Team) Update
Nung nakaraang Thursday big day sa Dolphy Theater ng ABS-CBN kung saan isinagawa ang presscon ng Stars For All Seasons na si Vilma Santos para sa kanyang much anticipated latest starrer/blockbuster “The Healing” with co-stars Kim Chiu, Pokwang, Janice De Belen, etc. Andun din ang premyadong director na si Chito Rono.
Para sa mga hindi nakakaalam ang Dolphy Theater ay isang malaking theater house na named after the Comedy King Dolphy. Dito ginagawa ang mga pangmalakihang presscons lalo na kung may trailer or film showing.
A day earlier (that was Thursday) ang cadaver ni Dolphy ay pinag-stop over sa nabanggit na theater house to pay last respect to the Comedy King bago siya dalhin sa Heritage Park kung saan doon siya ibuburol.
Meantime, nag-fiesta as in nagbunyi ang buong entertainment press ng mainstream showbiz sa pagdating ni Vilma Santos sa Dolphy Theater. Paminsa-minsan lang kasi humaharap ng press si Ate Vi dahil nga public servant siya.
Sa open forum ay napag-alaman ng lahat na ang “The Healing” ay kauna-unahang horror thriller ni Ate Vi.
Excited siya sobra sa pagkukwento na ganadong- ganado siya sa paggawa ng nasabing pelikula dahil nga matagal na pala niyang inaawitan si Direk Chito na gumawa ng ganitong pelikula.
“Ako kasi basically nahinang sa drama. The last time ang ginawa ko was “Anak” and then nasundan yun ng “In My Life.” So bale dream movie ko talaga ito and it took years to realize it. Kaya nung sinabi ni Direk Chito na meron na siyang material, ay go talaga ako agad so that’s it ito na,” say pa ng Star For All Seasons.
Napakasaya ng nasbing press brief. Sobrang personal at naka-relate si Ate Vi at mga kasamahan nito sa iba’t-ibang tanong ng mga reporters as moderated by Doyenne of Entertainement Writing and ex-prexy of PMPC (Phil. Movie Press Club) Ethel Ramos (take your bow, Manay Ethel!) in tandem with breezy Erik John Salut.
The following day Friday the 13 nakahabol sa tabloid ang glowing reportage on Vilma Santos’s grandest movie of the year kasama pa ang live streaming straight from bloggers na andun din sa Dolphy Theater para i-cover ang press brief ni Ate Vi and company.
Sa gabi same day si katotong Ricky Calderon ay nag-celebrate ng kanyang birthday sa legendary, iconic Music Box ni Daddy Wowee sa may Timog. Ang fodder syempre ay “The Healing” at ang heavy casting nito led by Kim Chiu bilang anak ni Ate Vi. Of course special choice siya ni Ate Vi.
Biglang dumating si Chuck Gomez na publicist ni Gary Valenciano straight from Heritage Park dala-dala ang scoop tungkol nga sa banggaan nina Annabelle Rama at movie reporter Chito Alcid. Sinundan naman ito ni katotong Julie Bonifacio who had a clearer version of the scandal. Ayan upstaged tuloy ang usapang Vilma Santos at birthday ni katotong Ricky.
Special mention ni Chuck ang King Of Talk Boy Abunda na naroon mismo sa pandemonium na ‘yun na ayon pa ni Chuck na-floored ‘ata si Kuya Boy at never itong nag-comment, medyo trying his best to maintain his composure and all pero alam niyang Boy was somehow affected by the incident. Hindi niya alam kung na-shock wave si Kuya Boy o di kaya pinoproseso lamang niya ang pangyayari para sa “The Buzz” na as ever things like this The King of Talk has always the last word ‘ika nga. Abangan!
Ang King of Talk ay palaging may challenge sa mga movie reporters when it comes to reporting events, scandalous or not. Ayon sa kanya kailangang “mag-step up” (his word) ang mga reporters to make stories interesting and not to rely mainly on press releases and press conferences.
Tama. Ganun nga ang reportage ng “The Buzz” through the years. Watching it live on ringside view like what we usually do on Sundays, or onscreen makes you feel this could be the trade secret of the unparalleled, unprecedented and multi-awarded (to include an Asian Award for Journalism for Boy) showbiz-oriented talk show in town.
One glaring oversight (conscious or not) sa self-reportage ni Chito Alcid sa Facebook about Annabelle’s attack on him ay never niyang na-mention na nung siya ay nasukol na ni Annabelle ay nahandusay siya sa sahig dahil ayon sa nakasaksi na-out of balance nga raw siya. Sa katabaan niyang yun, he fell flat on the floor.
Was Chito trying to sanitize his own reportage? Tingnan nyo na lang sa mga kasunod pang exclusive footages ng “The Buzz.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento