Biyernes, Hulyo 27, 2012

IPASUSUNGKIT NA NI MARVIN AGUSTIN ANG 20 M PARA SA WINNERS NG “ARTISTA ACADEMY”


By GEORGE VAIL KABRISTANTE
PMPC (Phil. Movie Press Club)


From his blog Manila Showbiz and Lifestyle also farmed out in different versions to Remate Online, Pilipino Mirror, www.pmpcstarnews.com.ph, CMT (Columnists Monitoring Team) Update





Marvin Agustin

Naka-tsika namin si Marvin Agustin  sa  Gateway, Cubao at tipong high ang single parent to two kids sa bagong kontrata niya ngayon sa TV 5 bilang host ng Artista Academy, ang pinakabago at pinakamagastos na reality show ng bansa.
      Co-host ni Marvin sa “Artista Academy” si Cesar Montano at ayon sa kanya ay sa July 30 na right after “Wil Time Big Time” ni Willie Revillame  ang grand premiere ng Artista Academy kung saan pipiliin out  16 finalists ang dalawang pair of lucky winners.
      To recall, 30 thousand ka-hopefuls ang nag-audition noon sa Araneta Coliseum out of which ay nag-short list sila. Ang na-short list na 16 ka hopefuls ay makikita na finally sa mismong show ni Marvin na “Artista Academy” kasama rito ang mga facilitators  tulad nila Directors Mac Alejandre and Joel Lamangan, musical director Louie Ocampo, Lorna Tolentino at ang may brainchild nito na si Wilma Galvante.
      Exciting ang premiere nito dahil dito huhugutin ang dalawang lucky winners out of the 16 finalists. Lalo pang exciting dahil ang pa -premyo ng TV5 na 20 million para sa dalawang winners ay unprecedented ever sa kasaysayan ng reality shows ng bansa. 
 Head of Creative & Entertainment Perci Intalan
 Sabi pa ng Head of Creative and Entertainment na si Perci Intalan, sigurado na ang respective career ng dalawang winners dahil naghihintay na sa kanila ang mga malalaking projects mula sa TV5



      Napag-usapan din namin ni Marvin Agustin ang tungkol sa kanyang ka-loveteam na si Jolina Magdangal. Simula kasing nabuwag ang kanilang loveteam ay parang tuluyan nang naglaho ang career ni Jolina. She’s neither here nor there ‘ika nga.
      Samantalang si Marvin ay lalong bumobongga ang career. Last year nakatatlong pelikula siya plus mga soap opera. Isa nito ay ang socially-relevant na “Patikul” kung saan nominated pa siya as Best Actor. 
Nasaan na nga ba  kaya si Jolina?  Sabi ng self-imposed loyalist ng King of Talk at ni Gov. Jeorge “ER” Ejercito Estregan na si Anthony Solis nasa kabilang channel raw at ga-join-join daw ng reality show roon si Jolina bilang judge, one of those daw sabay irap ni Anthony. Judge lang daw si Jolina samantalang si Marvin ay host as in big-time host sa pinakamalaking reality show pa ng bansa. Ang ibig lang sabihin ni Anthony ay napag-iwanan na ang dating ka-loveteam ni Marvin. Napag-iwanan na nga ba kaya si Jolens?
      Pinagmamalaki pa rin ni Anthony Solis na bilyonaryo na raw pala si Marvin Agustin dahil naka-12 branches na pala nationwide ang Japanese-inspired SumoSan restaurant ng actor. Idagdag pa riyan na nakapag-produce na rin si Marvin ng mga big-time concerts na ang mga artists ay mga dayuhan tulad nila Bruno Mars, Miley Cyrus, Maroon 5, Black Eyed Peas, etc.
      Two –year contract si Marvin sa TV5 na “guaranteed” at non-exclusive pa. Sa mga hindi nakakaalam ang ibig sabihin ng “guaranteed” ay magsu-sweldo si Marvin kahit wala na siyang gagawin pa sa nasabing network. Of course marami ring nakalaang trabaho para kay Marvin sa TV 5 tulad ng pelikula, hosting ng shows, soap opera, etc.
      Tinanong namin kung napaghandaan na ba niya ang pagho-host ng “Artista Academy”? Matagal na raw niya itong napaghandaan maliban sa nakapasok na siya ng  maraming TV hosting workshops  in the past  under Boy Abunda, Freddie Santos, etc.
      Last question, ano ang sikreto ng staying power mo bilang artista at negosyante?
“ Iisa lang ang sikreto ko. In everything I do I take it not as a kind work or hard work that is,  but one I do out of pure love. Hindi trabaho ang tingin ko kundi, gustong-gusto ko talagang gawin ang mga ganitong trabaho bilang artista at negosyante. Kaya siguro ganun na lang ang pagpapahalaga at pagmamahal ko sa mga trabaho kong ito,” pagtatapos pa ni Marvin Agustin.
     
       

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento