YOGO SINGH PAKAKAININ NG ALIKABOK ANG KANYANG MGA KASABAYANG CHILD ACTORS
By GEORGE VAIL KABRISTANTE
PMPC (Phil. Movie Press Club)
From my blog “Manila Showbiz & Lifestyle” and farmed out in different versions to Pilipino Mirror, Remate Tonight, Pssst, CMT Update, Opinyon, etc.
Nung una naming napanood si Yogo Singh sa teleserye ng ABS-CBN na “Kung Tayo’y Magkakalayo’’ bilang young Gerald Anderson I swore to myself na the young kid would go places. Point one, he is not just a cute and handsome child actor pero alam mo na thru his body movements sobrang napaka-intuitive actor si Yogo as in spontaneous kung umarte.
Kinonfirm ito sa akin ng aming good friend Director Maryo Delos Reyes who discovered and gave Yogo his first breaks and exposures.
Kitang-kita mo ang kaibhan ni Yogo sa ibang mga child actors in that hindi mo maaaninag ang traces sa kanyang acting inputs na siya ay dini-direk ng director, you get my point? Meron kasing mga child actor na parang de-numero kung umarte at halatang sumusunod lamang sa sinabi ng director kaya sila boring kung tingnan. Not Yogo. To belabor my point, dito pakakainin ng alikabok ni Yogo ang mga kasabayan niya.
Next time around napanood naman namin si Yogo Singh sa isa pang teleserye bilang young Coco Martin sa “ Walang Hanggan.” Lalo kaming humanga sa kanya for the same reason. Point number two, flexible ang mukha ni Yogo. Palibhasa’y Indian Pinoy si Yogo at kaya nagbe-blend siya kaagad sa ano mang role lalo na’t may kaputian siya.
And talking of his roots, si Yogo ay maagang naulila sa kanyang amang Indian at kaya naranasan niya at ng kanyang Mommy ang mamuhay ng mahirap, bagay na lalong nakadagdag sa kahusayan niya bilang child actor. ‘Ika nga may pinagdaanan siya sa buhay at kaya meron siyang paghuhugutan ng karampatang emosyon ayon sa demand ng pagkakataon.
To prove my point, kabago-bago pa lamang ni Yogo sa industriya ay agad siyang na-nominate bilang Best Child Actor sa nakaraang PMPC (Phil. Movie Press Club) Star Awards for Movies sa pelikulang “My Neigbor’s Wife” bilang anak nila Carla Abellana at Jake Cuenca. Na-notice din ang kanyang talento sa pelikula ni Direk Marilou Diaz-Abaya na “Ikaw Ang Pag-ibig” bilang anak nila Ina Feleo at Jomari Yllana. Ganun din sa pelikulang “ Panday 2” na dinirehe ni Direk Mac Alejandre.
Earlier ay lumabas na rin si Yogo sa GMA-7 regular show na “Panday Kids,” at pati na sa mga teleseryeng “Pilyang Kerubin,” “Dwarfina,” etc.
Bago siya naging lead roler sa obra ni Direk Wenn Deramas sa “Wako Wako” ng ABS-CBN ay lumabas din siya bilang isa sa mga lead roler naman sa “Fulbolilits.”
So there was enough reason why only lately Yogo’s Mom decided to celebrate her only son’s 10th birthday at Max Chicken House, Sct, Tuazon in which I tagged my only grandson Noah Ezekiel C. Enero all of four years old who is himself a self-confessed look-alike of Coco Martin. Kaya meron silang commonality bilang self-confessed fans and look-alikes of Coco, di ba naman?
Our most heartfelt birthday greetings to Yogo and his Mom and hope for more blessings in the form of TV and movie assignments to come for both of them.
oOo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento