Gov. ER
Ejercito awang-awa kay Ronnie Ricketts
“ASIONG SALONGA”
TOP GROSSER DIN SA LISTAHAN NG MGA PIRATED TAPES
by George Vail
Kabristante
PMPC (Phil.
Movie Press Club)
Originally
posted on the author’s blogsite “Manila Showbiz & Lifestyle” and farmed out
in different versions to Remate Online, Pilipino Mirror, Pssst, Saksi, etc.
Sa press
presentation ng 25 candidates para sa Miss World Philippines 2012 today June 7,
2012 na isinagawa sa Centennial Hall, Manila Hotel highlighted ang pirmahan
onstage nila Gov. George “ER” Ejercito at TV5 represented by Miss World
franchisee Miss Cory Quirino sa isang Memo of Agreement kung saan ang probinsya
ng Laguna ang maging partner host bilang top tourist destination country para sa
mga aktibidades ng mga kandidata.
Hindi
naiwasan ni Cory Quirino during the Q & A portion ang tanong kung bakit
nag-ober da bakod siya sa TV5. Sabi niya,
“ Sa GMA -7, binigyan kami ng tirahan, sa TV5 binigyan kami ng tahanan.” Yun
na. Read between the lines na lang. Define “tirahan” and “tahanan.”
Lalo
ring natuwa si Miss Quirino sa pag-ober da bakod ni Wilma Galvante (project proponent
ng Artista Academy ng TV5) dahil todo suporta naman si Mrs. Galvante ng unang
Miss World nung nasa-GMA-7 pa ito.
Pinutakti
din ng mga tanong si Gov. ER ng media
dahil isa siya sa mga board of judges ng nasabing contest at nagkataon na may contestant na galing Laguna pa man din.
Hindi
kaya siya maging bias sa kanyang judgment? Sagot ni Gov.ER, “Hindi ko nga alam na
meron pala kaming representative. Pero fair is fair at iwasan natin siyempre ang
maging bias and we just have to be objective in choosing the most potential bet
dahil the winner brings the name of the country in the international community
abroad.”
Paulit-ulit ding pinapakita sa nasabing
affair
ang napakagandang MTV ng Laguna na gawa ng
internationally-awarded MTV director na si Direk Louie Ignacio na isa ring
Lagunense at may resort cum house pa along the famous Pagsanjan river going to
the falls.
Ang mismong
endorser ng MTV ay si Gov. ER kung saan nakasakay siya sa bright colored Pinoy jeepney
(actually inspired from the jeepney ni
Erap leitmotif) at pina-flash niya ang iba’t-ibang lungsod ng Laguna sa magandang
huni ng boses ang theme song nito ng kanyang First Lady na si Mayora Maita
Sanchez Ejercito.
Kung hindi ‘nyo pa alam si Mayora Maita ay
maliban sa pagiging
artista ay nakahiligan na rin niya noon-noon pa ang kumanta. Kaya bigay-todo talaga sa kanyang
performance ang butihing asawa ni Gov. ER. At oozing with sex
appeal pa sa kanyang sexy outfit gawa ng production design ng nasabing MTV.
Kaya pala hindi nakasama sa Memo Signing
ang Mayora ng Pagsanjan dahil that day ay
may management training ng kanyang mga constituents na isinagawa nila sa Villa
Escudero.
Kumusta ang kita ng “Asiong Salonga?”
Pabirong sagot
ni Gov.ER: “Number one kami sa listahan ng mga pirated tapes ayon sa
report ng Muslim Council. At kahanay pa namin ang ‘The Avengers.’ Nakapanlulumo nga
kung iisipin kasi bawal naman talaga ang piracy. Kaya suportahan talaga
natin dapat si Ronnie Ricketts sa campaign niya against piracy na
ngayon ay parang virus, parang cancer na sumusulpot kung
saan-saang parte ng katawan ng bansa.”
Nakatanggap
si Gov. ER ng pinakamataas
na parangal galing kay Pres. P-noy for
good governance, ang “Presidential Lingkod Ng Bayan Award.” Siyang
dahilan kung bakit lalo niyang paiigtingin ang pamamalakad ng probinsya ng
Laguna bilang the country’s top tourist destination.
Sobrang
i-inispoil ng TV5 Promotions team ang mga entertainment writers on the occasion.
From Q.C. hatid-sundo ang mga press people going to Manila Hotel and back.
Sa sit-
down lunch napakasarap as in fine dining talaga the entrée is enough for you to salivate reading
them as follows: Seasonal Greens with Celery Tomato and Laguna Cheese with
Coconut Vinegar Dressing, Corn Chowder with Smoked Chicken, Pan Fried Salmon
with Soy Butter Sauce, Risotto Cake with Asian Flavors Green Vegetables,
Japanese Cheese Cake with Pineapple Compote, and Macapuno Ice Cream. Coffee or
tea to wash down the exquisite meal. Talbog!
Nakalimutan
tuloy naming i-mention ang names ng mga nagagandahang
25 candidates. In any case, the main event will be aired from Manila Hotel Tent
on June 24, 8:30 pm on TV5.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento