Biyernes, Nobyembre 23, 2012

XYRIEL MANABAT CHILD WONDER SA 24/7 AT SA STAR AWARDS FOR TV

MONTAGE
By GEORGE VAIL KABRISTANTE
PMPC (Phil. Movie Press Club)

From my blog “ Manila Showbiz & Lifestyle” farmed out in different versions to www: pmpcstarnews.com, Pilipino Mirror, Remate Online, Scandal, CMT (Columnists Monitoring Team) Update, etc.


XYRIEL MANABAT
Monster hit na naman ang pitong great as in love stories ng 20th anniversary film offering ng Star Magic na 24/7 In Love ayon sa pusang galang (pun intended there)  si katotong Roel Villacorta na ginagawang pastime ang movie watching.


Yong kasabayan nito ay as usual nilangaw sabi pa ni Roel. Sa movie house  ng offering ng Star Magic ay uminit daw sobra ang kapaligiran sa dami ng tao, see?
    On my part, I recommend na sa kamahalan ng admission price ngayon, if there is one movie na dapat panoorin ‘nyo bago magsarado ang taon, this is it.
          Sulit talaga ang 24/7 In Love.
Saan ka ba nakapanood ng isang pelikula na pinagsasama-sama ang mga bibigating mga artista at mga directors in one movie together.
PRESENTORS MAYOR MAITA & GOV. JEORGE
Only from Star Magic talents na akala mo ay itino-tour ka sa kanilang studio para in flesh- and- blood ang mga stars and celebrities of the hour ay makahalubilo mo in one setting na para kang nag- smorgasboard o buffet to the max, hindi ba naman?
   Fresh ang mga story lines ng 24/7 maliban sa feel good” ang mga ito and would make you fall in love again for the 9th around.
LA AUNOR & LA HELEN IN A TIE FOR BEST ACTRESS
       Si Zanjo Marudo bilang gay na pumatol minsan kay Bea Alonzo who is his gf off-cam ay  klik sa LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender) community. Walang emotional manipulation rito, hindi sila nagkapatulan or nagkatuluyan in the end. Kaya beautiful siya. Real life.
         
Touching naman ang episode ng triangulated casting nila Piolo Pascual, Ziajian Jaranilla at Xyriel Manabat na incidentally ay nahirang na Best Drama Actress sa nakaraang PMPC  Star Awards for TV besting other   co-nominees and acting greats in their own right tulad nila  Dawn Zulueta, Helen Gamboa (ka-tie ni Nora Aunor sa PMPC Star Awards for TV), Janice De Belen, Rochelle Pangilinan, Susan Roces and the Superstar no less Nora Aunor ( who else?) na nanalo rin ng Star Award’s Best Actress in a Single Performance of an Actress.
          Parang ngayon lamang naulit locally ang Best Actress award sa katauhan ni Xyriel Manabat na napanalunan ng batang si  Tatum O’Neal noon for Paper Moon sa Hollywood’s Oscars. Standout din si Xyriel sa 24/7.
Napaka-clever ang paghabi ng kwento nito pero very believable kundi authentic at well-researched pa. Natandaan ko tuloy ang sinabi ni Piolo na in his acting career ay naghahanap pa rin siya ng something different that   will challenge his creativity at ito na nga ‘yun. It’s the director’s take on the plight of PWD (Persons with disability).
         Ganun din ang episode nila Sam Milby at Pokwang na kapapanalo lamang niya ng Best Comedy Actress sa nakaraang PMPC Star Awards for TV para sa sitcom nila  na Toda Max where incidentally ay nanalo naman si Robin Padilla bilang Best Comedy Actor for the same. 
ROBIN PADILLA BEST COMEDY ACTOR WITH "TODA MAX" CO-STARS  POKWANG & ANGEL LOCSIN
Wala ka talagang itulak kabigin sa all-star casting ng 24/7  tulad ng tandem nila Kim Chiu at Gerald Anderson, Diether Ocampo at Maja Salvador, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz na kung ‘di ‘nyo pa alam ay magsing-irog naman to the max at the moment. Saan ka pa? Di ba nakakakilig if you are a fan of Pinoy movies.
          But more than the inputs of the great actors of said movie, kailangan din natin, however smorgasboard, ay i-credit ang mga brilliant minds of the scriptwriters behind 24/7 movie as interpreted by competent directors tulad nila Directors Mae Cruz, Dado Lumibao, John-D Lazatin at si Frasco Mortiz, anak ng aming best friend from way back Going Banana Days na si Edgar Mortiz who never fails to call me by my first name tuwing magkikita kami kahit saang sulok ng daigdig. Makes me think tuloy showbiz is such a small world.
          Sabi nga ni katotong  Roel, fan movie ang 24/7 alright pero hindi siya nakaka-offend sa intelligence ng mga thinking viewers na tulad niya. Naman.













































































I

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento