Linggo, Agosto 19, 2012

LOVETEAM NINA JULIE ANNE SAN JOSE AT ELMO MAGALONA SWAK TO THE MAX


By GEORGE VAIL KABRISTANTE 
PMPC (Phil. Movie Press Club)
 
From his blog Manila Showbiz & Lifestyle also farmed out in different versions to Pilipino Mirror, www.pmpcstarnews.com.ph, Remate Tonight Online, Saksi, CMT (Columnists Monitoring Team) Update 

JULIE ANNE SAN JOSE & ELMO MAGALONA

Talking of health situation ang aming katotong si Eddie Littlefield ay na-diagnose naman na may hernia (translate:loslos)  which led Sen. Lito Lapid’s  PR director  Alex Marcelino at the Senate Lounge to joke kung si Eddie ba ay “bottom” or “top.”  Sabi naman ni Eddie ang hernia has nothing to do with sexual positions. Maniwala naman kaya si Alex hahaha!
       From the Senate Lounge kinaray naman ako ni Eddie L. sa  bonggang red carpet premier ng Just One Summer ng GMA Films thru the beauteous Lendl Fabella na pinagbidahan ng one of the hottest loveteams  ng kanilang henerasyon na  sina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona, anak ng yumaong na si Franci M. kung di ‘nyo pa alam.    
Feel-good and feel pretty ang pelikulang ito ni Direk Mac Alejandre and it will make you feel young once more, if not love again for the nth time ‘ika nga.  Swak ang kumbinasyon nila Julie Anne at Elmo.  Postcard pretty and breath of fresh air ang countryside scenes nito ni Direk Mac.
All through much of their scenes ay sobrang kilig ang mga fans nila at hindi magkakumayaw ang mga fans sa kanilang pagsisigaw at paghihiyaw, tanda ng sobrang lakas ng kilig factor nito sa mga viewers. Showing na ngayon ito.
       Napakahusay ng paganap nila Alice Dixson at Joel Torre bilang estranged couple as parents of Elmo. Ganun din si Cherry Pie Picache at sina Boboy Garovillo  at Gloria Romero bilang ama at lola ni Julie Anne respectively.
       Nagsasalpukan sa ngayon ang The Reunion at ang Just One Summer sa takilya . Alamin natin sa Mojo Box- Office Report kung sino sa kanila ang top-grosser. Pero kung ako sa inyo panoorin ‘nyo pareho coz parehong well-crafted and told ang dalawang  pelikulang ito para sa ikauunland ng pelikulang Pilipino, hindi ba naman?
  
SALPUKAN NG DOS AT SIYETE SA TAKILYA


KEAN CIPRIANO & JESSY MENDIOLA
Sa offstage view sa The Buzz ng King Of Talk Boy Abunda ay napag-tripan ng mga reporters ang pagka hospital ni Toni Gonzaga dahil sa pag-malfunction ng kanyang bituka. Ang diagnosis ay hindi na nag-move ang kanyang bituka parang nagka-trafik na ito.
Kasama sa pag-trip ang apat na guests niya na tinaguriang 'Fab 4'  na andun  sa  backstage kasama ni Toni waiting for their cue na sina Enchong Dee, Enrique Gil, Kean Cipriano at Xian Lim, lead actors ng  The Reunion na kung di ‘nyo pa alam ay luckily nakakuha  ng Grade B ng Cinema Evaluation Board (CEB). Meaning na mataas ang kalidad ng  barkada movie ito ng Star Cinema na pinilahan na sa ngayon
       Kasama sa pag-play time ang ‘Fab 4’ as one movie reporter  told Toni in the face na hindi kaya ang dahilan ng pagka-ospital ni Toni ay dahil sa nagpa-abort siya sabay kantyaw sa kanya ng Fab 4 members.
       Tony who was dressed like a Hollywood goddess ready to walk the red carpet just took the comments in stride and laughed it off, saying, “Dios ko papano ako mabuntis hanggang holding hands lang kami ng bf ko ‘noh? “
       Naman. With Mommy Pinty around masasabi rin namin na virgin pa sobra si Toni G. Sa ngayon sa health situation ng dyosa ng The Buzz ay bawal sa kanya ang mabusog. Kakaibang klaseng sakit din ito, ano?
       Anak ng aming kaibigang si Bobot Mortiz of Vilma Santos days ang director ng Reunion na si Direk Frasco Mortiz kung saan ang mga leading ladies nito ay equally ‘fab 4’ din on their own right tulad nila Jessy Mendiola, Megan Young, Julia Montes, at Bangs Garcia.
 
 
 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento