MONTAGE
By George Vail Kabristante
PMPC (Phil. Movie Press Club)
From my blog “ Manila Showbiz & Lifestyle” farmed out in different versions to www: pmpcstarnews.com, Pilipino Mirror, Remate Online, Scandal, CMT (Columnists Monitoring Team) Update, etc.
DAPHNE OSENA PAEZ |
First time naming nakatsikahan ang smart looker, TV host ng Urban Zone ng ABS-CBN na si Daphne Osena-Paez who is the first lady of the equally well-known broadcast journalist/producer na si Patrick Paez kung di ‘nyo pa alam. She spoke volumes about the harrowing trauma na na-experience ng kanyang pamilya sa Canada (pre-Patrick days pa) nung idineklara ni Marcos ang Martial Law hanggang sa nagka-People Power.
“For years after the People Power walang iniwan sa amin ang isang pamilyang without a country due to political persecution. Exiled status kami sa Canada at di rin kami pwedeng umuwi sa ‘Pinas dahil di kami pwedeng isyuhan ng visa,”pagkukwento pa ni Daphne.
PATRICK PAEZ |
Nalampasan din nila ang nasabing persecution at ngayon dual citizen na ng bansa si Daphne in her capacity, among others, as urban and environment specialist (graduate siya ng Urban Management course sa Canada) / UNICEF advocate para sa kapakanan ng mga kabataan sa buong mundo. Then she met Patrick. They fell in love. And she became Mrs. Paez.
Kaya perfect ang pagkapili sa kanya bilang Vita Pops Mom, the first and only pop rocks Vitamin C ng bansa gawa ng Unilab, leading healthcare provider na siya ring nagpauso ng Ceelin vitamins.
Ang Vita Pop rocks vitamin C maliban sa ito ay tummy friendly (1/5 lang ang sugar content compared to your regular vitamins) ay parang kendi at natutunaw sa bibig kaya siguradong magugustuhan ng mga bata ito at nakapaloob sa isang sachet at handy na dadalhin kahit saan para sa mag-ina. “Taking vitamin C using Vita Pop Rock has never been that fun and memorable for both children and mom” dagdag pa ng Product Manager na si Joseph Aruta.
Ini-launch ang Vita Pops kamakailan lang sa isang pangmalawakan at highly educational one day Science Fair sa Music Hall ng MOA na kino-host pareho ng svelte maven na si Rikka Dylim at si Daphne kung saan ang huli ay nag-share din sa mga moms and dads present sa nasabing fair tungkol sa makabagong parenting tips at kung papaano niya napapangalagaan ang tatlong Maria nila Patrick despite busy schedules in the direction of making their children take the right kinds of vitamins.
DAPHNE'S TRES MARIAS |
Ayaw na ba nilang magkakaanak pa ng lalaki? “ Not that ayaw namin, pero yun ang bigay sa amin ng Dios so that’s it. Besides, Patrick thinks that there are many ways by which one can immortalize oneself and not necessarily through having a male progeny who can carry your family name,” says Daphne. I think so too. Makes me think Patrick is not one straitlaced chauvinist, not too conventional nor traditional, but a liberated free thinker. Makes Daphne a lucky wife as well.
Over a yummy lunch at Ebun Restaurant naikwento rin sa amin ni Daphne na naka-raise siya ng milyones lately sa fundraiser niya for UNICEF selling clothes, what-nots, donations, etc. from friends, colleagues at mga artista through E-Bay ng internet. What a powerful, vivacious and all-too child friendly Vita Pop mom indeed, this Daphne!